Kaligayahan, Sinta
Napakadami ko nang pinagdaanan,
Halong Galit, Poot at saya ang nararamdaman.
Aking hinahanap ang tunay na kasiyahan,
Sa aking buhay na tila'y parang walang katapusang kaguluhan.
Mahahanap ko ba ang tunay na kasiyahan sa kanya?
O baka nama'y mas higit na magmistulang tanga.
Gusto ko mang mangarap na sana'y totoo na,
Ang lahat ng salitang mabubulaklak na galing sayo sinta.
Ngunit paglipas ng araw,
Hindi na saya ang nangingibabaw.
Kailangan ba talagang magbago ang lahat?
Bakit tila'y sayo ay hindi ako magiging sapat?
Papalayain na ba kita?
O mas pipiliing subikin ang ating tadhana.
Ikaw ang kaligayahan ko,
Sana'y sa iyo ay ganoon din ako.
Comments
Post a Comment