Open Letter
Araw araw, inaantay ko mga chats mo, na baka gusto mo nang ayusin yung tayo. na baka nagbigla ka lang sa desisyon mo. Hanggang ngayon kasi ikaw padin ang gusto ko at walang iba. Kung nababasa mo man to, gusto kong sabihin na. Kahit anong mangyare, aantayin kita. Aantayin ko ung pagbabalik mo. Alam ko sobrang daming sakit ang nararanasan pero still, ikaw padin ang gusto kong makasamang tumanda. Kung alam mo lang, sobrang hirap sakin neto, ang hirap knowing na wala ka na sa buhay ko. Ang hirap na baka habang inaantay kita eh, may mahanap kang iba. Ayoko ng iba. Binigyan mo ko ng chance na kapag naayos ko sarili ko eh we will try it one more time but this time we will try it in the right way. Sinanay mo ko, ang hirap gawin ng mga bagay na gusto ko dahil pagkagising ko sa umaga ikaw lang iniisip ko, Kung kamusta ka na ba, Kumakain ka ba? masaya ka ba ngayon? Kapag maglalaro ako ng Valorant, Ikaw lang din iniisip ko, kaya nga ako nageexcel na sa aking rank dahil naaalala ko lahat ng turo mo. I want you back. I want my duo in game and duo in life back.
Inaalagaan ko na sarili ko, Di man ako natutulog sa tamang oras pero hindi ko hinahayaan na di ako makatulog or makapagpahinga bawat araw. Kumakain na din ako ng tama. Gusto ko lang sabihin na kapag tuluyan kang nawala, para siguro akong mababaliw. Gusto gusto kong magkaayos tayo.
Comments
Post a Comment