Ginoo, Sumuko ka na pala
"Dumating ka - Nagulantang ang tahimikkong buhay,
Nangakong aantayin hanggang sa sumilip ang bukang - liwayway,
Isinuko ang aking sarili
Pananatili mo ay halos bilang kolang sa ' king daliri.
Naalala mo pa ba? kung papaano tayo nagkakilala?
Kinulit, at laging hinanandugan ng mga rosas at iyong naisulat na tula.
Hindi na napigilan at pinili nang mahulog na sa iyo sinta.
Tinanong mo akokung tayo na ba?
Ang matamis kong "Oo" ang iyong nakuha.
Tila'y suntok sa buwan ang pag-asang natamo.
Sinta, sana'y umabot hanggang dulo ang pag-irog mo.
Ihip ng hangin tila'y biglang nagbago na.
Pilit minahalpero ikaw pala'y may bago na.
Paumanhin Ginoo, wala sa bokabularyo ko ang sukuan ka.
Ngunitnauna mo na pala akong sinukuan aking sinta.
Nakita kong parang wala ka nang gana.
Akala ko ako parin pero mali - siya na pala.
Para sa Binibining pinili niya,
Sana ay sa piling mo, lumigaya siya.

Comments
Post a Comment