Huling tulang aking malilikha para sa aking nakaraan
Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula?
Mistulang suntok sa buwan at parang yung hindi maabot-abot na tala.
Tatlong taong puno ng alaala't pagmamahalan,
Mabilis nawala, parang alon na humampas sa dalampasigan.
Paumanhin, dahil iniwan kitang nagiisa.
Siguro nga sinubok lang tayo ng tadhana.
Salamat nalang sa mga masasayang alaala.
Alam kong ang nangyari ay napakamasalimuot.
Huwag nating hayaang balutin tayo ng sariling galit at poot.
Tama na, siguro'y mas magandang hayaan na.
Sana'y bukas o sa makalawa maging masaya ka na.
Ngayon, ika'y akin nang pinalaya,
Sana'y mahanap mo ang binibining sa iyo'y itinakda.
Kalimutan at patawarin ang nakaraan,
Upang buhay natin ay magpatuloy sa kasalukuyan.
Mahal, paalam na,
Mahal, sana'y tanggapin na.
Hindi man ako ang binibining itinadhana,
Ayos lang, mahalin ka sa maikling panahon ay sapat na.

Comments
Post a Comment