Alam mo ba?



Alam mo ba kung gaano ako kasaya kapag kausap kita? 
Alam mo din ba kung paano mo naiba ang pananaw ko, sinta?
Alam mo din bang sobrang saya ko nung unang beses kong nadama ang init ng iyong yakap,
Kung gaano ako kasaya noong ang iyong mga labi'y sa akin ay inilapat. 

Sana alam mo kung gaano ako sumasaya sa piling mo,
Wala na akong ibang gusto kundi ang yakap at mga halik mo,
Hindi na din ako magkukunwaring hindi kita gusto,
Dahil sa bawat minuto, ikaw lamang ang laman ng isip ko. 

Gaano man katagal, ako'y maghihintay sayo,
Gaano man katagal, asahan mong hindi - hindi ako magbabago,
Sana'y ramdam mo
Na ikaw lamang ang nagpatibok ulit sa puso ko. 

Comments

Popular posts from this blog

Mata'y Dumidilim na

Open Letter

Kaligayahan, Sinta