Tugon: Puting Bandera.
Sa umaga mas pipiliin ko munang umiyak bago makapag ayos papuntang trabaho.
Pagka uwi, ay ganun din ang aking ginagawa.
Araw - araw mas pinipili kong umiyak, dahil hindi na kaya ng aking sarili ang maging matatag.
"Nagawa mo naman dati, bakit ngayo'y hindi mo na magawa."
Habang tumatanda lalo akong nilalamon ng kalungkutan. Walang ni isang tao ang nakaka unawa ng aking nararamdaman, kahit sabihin n'yong andiyan kayo para sa akin, ay wala paring magbabago. Ako padin ang nilalamon ng kalumbayan.
Natatakot ako, Naguguluhan. Bakit hindi nalang ako mawala sa bundong puno ng kaguluhan. Utak ko ay sinira na ng kalungkutan, malapit nang lamunin ng kamatayan.
Nabanggit ko nga sa nakaraan, sa aking pag lisan ba'y kayo ay matutuwa? kapag ba ako ay nawala sa inyong paningin ay mas gagaan ang paligid?
Baka nga ako talaga ang problema? Baka nga kaylangan kong mawala bago pa kayo maging masaya.
Konting oras nalang, maliligaw na ako, Maliligaw sa lugar na hindi nyo kayang tahakin upang ako ay sagipin. Matagal ko nang hinihingi na ako'y inyong sagipin pero tinutulak at tinulak n'yo akong palayo hanggang sa nilamon na ako ng kalungkutan.
Napakasalimuot, kaawa awa.
Gusto nang magpaalam.
Ayoko na.
"Aeternum vale"
Comments
Post a Comment