Posts

Open Letter

 Araw araw, inaantay ko mga chats mo, na baka gusto mo nang ayusin yung tayo. na baka nagbigla ka lang sa desisyon mo. Hanggang ngayon kasi ikaw padin ang gusto ko at walang iba. Kung nababasa mo man to, gusto kong sabihin na. Kahit anong mangyare, aantayin kita. Aantayin ko ung pagbabalik mo. Alam ko sobrang daming sakit ang nararanasan pero still, ikaw padin ang gusto kong makasamang tumanda. Kung alam mo lang, sobrang hirap sakin neto, ang hirap knowing na wala ka na sa buhay ko. Ang hirap na baka habang inaantay kita eh, may mahanap kang iba. Ayoko ng iba. Binigyan mo ko ng chance na kapag naayos ko sarili ko eh we will try it one more time but this time we will try it in the right way. Sinanay mo ko, ang hirap gawin ng mga bagay na gusto ko dahil pagkagising ko sa umaga ikaw lang iniisip ko, Kung kamusta ka na ba, Kumakain ka ba? masaya ka ba ngayon? Kapag maglalaro ako ng Valorant, Ikaw lang din iniisip ko, kaya nga ako nageexcel na sa aking rank dahil naaalala ko lahat ng tu...

Tugon: Puting Bandera.

Image
Sa umaga mas pipiliin ko munang umiyak bago makapag ayos papuntang trabaho.  Pagka uwi, ay ganun din ang aking ginagawa.  Araw - araw mas pinipili kong umiyak, dahil hindi na kaya ng aking sarili ang maging matatag.  "Nagawa mo naman dati, bakit ngayo'y hindi mo na magawa."  Habang tumatanda lalo akong nilalamon ng kalungkutan . Walang ni isang tao ang nakaka unawa ng aking nararamdaman, kahit sabihin n'yong andiyan kayo para sa akin, ay wala paring magbabago. Ako padin ang nilalamon ng kalumbayan.  Natatakot ako, Naguguluhan. Bakit hindi nalang ako mawala sa bundong puno ng kaguluhan. Utak ko ay sinira na ng kalungkutan, malapit nang lamunin ng kamatayan.   Nabanggit ko nga sa nakaraan, sa aking pag lisan ba'y kayo ay matutuwa? kapag ba ako ay nawala sa inyong paningin ay mas gagaan ang paligid? Baka nga ako talaga ang problema ? Baka nga kaylangan kong mawala bago pa kayo maging masaya.  Konting oras nalang, maliligaw na ako, Maliligaw sa l...

Alam mo ba?

Image
Alam mo ba kung gaano ako kasaya kapag kausap kita?  Alam mo din ba kung paano mo naiba ang pananaw ko, sinta? Alam mo din bang sobrang saya ko nung unang beses kong nadama ang init ng iyong yakap, Kung gaano ako kasaya noong ang iyong mga labi'y sa akin ay inilapat.  Sana alam mo kung gaano ako sumasaya sa piling mo, Wala na akong ibang gusto kundi ang yakap at mga halik mo, Hindi na din ako magkukunwaring hindi kita gusto, Dahil sa bawat minuto, ikaw lamang ang laman ng isip ko.  Gaano man katagal, ako'y maghihintay sayo, Gaano man katagal, asahan mong hindi - hindi ako magbabago, Sana'y ramdam mo Na ikaw lamang ang nagpatibok ulit sa puso ko. 

Ginoo, Sumuko ka na pala

Image
"Dumating ka - Nagulantang ang tahimikkong buhay, Nangakong aantayin hanggang sa sumilip ang bukang - liwayway, Isinuko ang aking sarili Pananatili mo ay halos bilang kolang sa ' king daliri. Naalala mo pa ba? kung papaano tayo nagkakilala? Kinulit, at laging hinanandugan ng mga rosas at iyong naisulat na tula. Hindi na napigilan at pinili nang mahulog na sa iyo sinta. Naging komportable at hindi na nakakaramdan ng pagkataranta. Tinanong mo akokung tayo na ba? Ang matamis kong " Oo " ang iyong nakuha. Tila'y suntok sa buwan ang pag-asang natamo. Sinta, sana'y umabot hanggang dulo ang pag-irog mo. Ihip ng hangin tila'y biglang nagbago na. Pilit minahalpero ikaw pala'y may bago na. Paumanhin Ginoo, wala sa bokabularyo ko ang sukuan ka. Ngunitnauna mo na pala akong sinukuan aking sinta.  Nakita kong parang wala ka nang gana. Akala ko ako parin pero mali - siya na pala. Para sa Binibining pinili niya, Sana ay sa piling mo, lumigaya siya.

Mata'y Dumidilim na

Image
Sa aking paglisan, kayo kaya'y matutuwa? Hindi nga pala ako naging importante, kaya siguro nga, Pilit ko mang itago, Para saan pa, wala namang magbabago. Lungkot, galit at pagkalito, Bakit? Bakit hindi ako naging importante sa inyo? Ganoon ba ako kababa sa paningin niyo? Malapit na 'konh bumitaw, masaya na ba kayo? Wala nang masaya sa buhay kong puno ng kaguluhan. Bakit hindi niyo ako kayang maintindihan? Malapit nang lumubog ang araw, Malapit na din akong maligaw. Pasenya na, kayo'y aking binigo, Buhay ko? - hindi ko alam kung saan patungo. Kung sakali mang ako'y bumitaw, ito kaya'y ikalulungkot niyo? Kung Oo, patawad at paalam, akin nang kakalabitin ang gatilyo

Huling tulang aking malilikha para sa aking nakaraan

Image
Mahal, naalala mo pa ba  kung paano tayo nagsimula? Mistulang suntok sa buwan at parang yung hindi maabot-abot na tala. Tatlong taong puno ng alaala't pagmamahalan, Mabilis nawala, parang alon na humampas sa dalampasigan. Paumanhin, dahil iniwan kitang nagiisa. Iniwan habang puso mo ay tila'y nagluluksa. Siguro nga sinubok lang tayo ng tadhana. Salamat nalang sa mga masasayang alaala. Alam kong ang nangyari ay napakamasalimuot. Huwag nating hayaang balutin tayo ng sariling galit at poot. Tama na, siguro'y mas magandang hayaan na. Sana'y bukas o sa makalawa maging masaya ka na. Ngayon, ika'y akin nang pinalaya, Sana'y mahanap mo ang binibining sa iyo'y itinakda. Kalimutan at patawarin ang nakaraan, Upang buhay natin ay magpatuloy sa kasalukuyan. Mahal, paalam na, Mahal, sana'y tanggapin na. Hindi man ako ang binibining itinadhana, Ayos lang, mahalin ka sa maikling panahon ay sapat na.

Kaligayahan, Sinta

Napakadami ko nang pinagdaanan, Halong Galit, Poot at saya ang nararamdaman. Aking hinahanap ang tunay na kasiyahan, Sa aking buhay na tila'y parang walang katapusang kaguluhan. Mahahanap ko ba ang tunay na kasiyahan sa kanya? O baka nama'y mas higit na magmistulang tanga. Gusto ko mang mangarap na sana'y totoo na, Ang lahat ng salitang mabubulaklak na galing sayo sinta. Ngunit paglipas ng araw, Hindi na saya ang nangingibabaw. Kailangan ba talagang magbago ang lahat? Bakit tila'y sayo ay hindi ako magiging sapat? Papalayain na ba kita? O mas pipiliing subikin ang ating tadhana. Ikaw ang kaligayahan ko, Sana'y sa iyo ay ganoon din ako.